This site uses cookies to give you the best experience.
Ilulunsad ng HPI ang mini 4-stroke engine (M4) : ang pinaka-unang 360-degree inclinable 4-stroke engine sa line-up ng Honda
Ngayong Nobyembre 2021 ang Honda Philippines, Inc. (HPI) ay maglalabas ng bagong makina karagdagan sa kasalukuyang line-up nito, ang mini 4-stroke engine (M4). Ito ay may layuning tugunan ang pangangailangan ng mercado para sa mga maliliit na makina.
Sa ngayon, dumarami na ang mga Pilipinong gumagamit ng makinang katulad nito na karaniwang makikita sa mga brush cutters, trimmers, scooters, small agriculture machines at light construction equipment. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang ating mga local na Original Equipment Manufacturers (OEM) na punuan ang pangangailangan ng mga mamimiling Pilipino.
Patuloy ang pagtaas ng demand sa makinang 4-stroke kagaya ng Honda M4 engines dahil sa tumataas na presyo ng gasolina at mga alalahanin sa kalusugan at kapaligiran na dulot ng paggamit ng 2-stroke engines.
Tinitiyak ng HPI na mapupunuan nito ang mga pangangailangan ng merkado at malayang makakapamili ang bawat Pilipino sa ilalabas nitong tatlong (3) variants:
GX25 (1.0hp, net power); GX35 (1.3hp, net power); at GX50 (2.0hp, net power).

Ang Honda M4 engines: GX25 (Kaliwa), GX35 (Gitna), GX50 (Kanan)
Ang mga Honda M4 engines ay hindi lamang matipid sa gasolina at sa maintenance. Ito ay nagtataglay din ng mga sumusunod:


Mga aplikasyon ng brush cutters na may Honda M4 engines: Roadside maintenance, Palay harvesting, paglilinis ng bakuran o landscaping

Bridge Guard Design (GX50) - Scratch resistant na lumilikha ng pakiramdam ng maayos na pagpapatakbo.

Lumilikha ng malawak na lugar na nagpapalabas ng mahusay na katatagan at kakayahang magamit. Nakausli ang mga gilid na nagpapababa sa posibilidad ng pagkagasgas sa takip.
Trustgram – Patunay na ito ay Honda genuine engine.

Trustgram sticker nakalay sa recoil cover ng makina nagpapatunay na ito ay “GENUINE” Honda Engine

Katulad ng ibang mga Honda Power Products ang Honda M4 engines ay sakop din ng (2) year warranty.
Para sa karadagang impormasyon tulad ng mga specifations at demo requests, bisitahin ang website na www.hondapowerproducts.ph at official Facebook page na Honda Power Products Philippines (@hondapowerproductsph).
Urban life has always been hectic—tight schedules, crowded streets, and days that blur together. But Gen Z professionals are changing the pace, embracing the ‘soft life’: a lifestyle built on...
READ MOREMabalacat City, Pampanga, Philippines (Dec. 02, 2025) - Honda Philippines Inc. (HPI) has inaugurated its 7th Technical Training Center, known as the “Honda Room,” at Don Bosco Academy of Pampanga,...
READ MOREThe holiday season is the busiest season ever. Malls fill with shoppers, streets host late-night bazaars, and calendars fill up with endless reunions. However, with this festive cheer comes having to...
READ MORE